Ito ang opisyal na website ng CCP

tungkol kay Huseng Batute.

 

José Corazón de Jesús

Si José Corazón de Jesús, o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute, ay isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang Filipino upang ipahayag ang kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na pinamagatang “Bayan Ko.”

Mga Bagong Artikulo

Pagkalas mula sa Inaakala: Ang Estetika ng Pagkabig sa Tula ni Jose Corazon de Jesus

“Makata ng puso” ang madalas na bansag na ikinakakabit ng mga iskolar ng panitikang
Filipino sa makata-mambibigkas na si Jose Corazon de Jesus.
Magbasa Pa

Ang Parikalang Tinig ng Personang Multo at ang Maririkit na Kabalintunaan sa “Kahit Saan” ni Jose Corazon de Jesus

ISA SA MGA pinakapaborito kong tula ni Jose Corazon de Jesus, ang kauna-unahang Hari ng
Balagtasan at pinakapopular na makata diumano sa unang hati ng siglo dalawampu, ang
kaniyang “Kahit Saan.”
Magbasa Pa

Sa Ngalan ng Mga Walang Pangalan: Isang Matalik na Pagbasa sa Tulang “Mga Walang Pangalan” (1928) ni Jose Corazon de Jesus

Hindi maitatatwa ang katanyagan ni Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag-panulat
na Huseng Batute, partikular sa larangan ng panulaang Filipino.
Magbasa Pa

Natutulog ka man, irog kong matimtiman,
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam;
Dahan-dahan, Mutya, buksan mo ang bintana,
Tanawin mo’t kahabagan, ang sa iyo’y nagmamahal.

José Corazón de Jesús, Pakiusap

Video

Ang produksiyon na pinamagatang Ang Pagbabalik-tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan ay ginanap noong Mayo 26, 2018 sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP. Ang araw na ito ay ika-86 anibersaryo ng kamatayan ng makatang si Jose Corazon de Jesus. Ang direktor ng programa at produksiyon ay si Domingo Lazam III. May dalawang bahagi: (1) Forum at (2) Pagtatanghal ang programa. Sa forum ay nagsalita sina G. Arsenio J. Lizaso, ang pangulo ng CCP, Dr. Eliseo S. Dela Cruz, kinatawan ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Dr. Benilda Santos, guro at mananaliksik, at iba pa. Ang itinanghal na mga akda ni Batute ay limang tula at ilang bahagi ng kanyang binigkas sa kauna-unahang Balagtasan, na naganap sa Instituto de Mujeres, Tondo, Maynila noong Abril 6, 1924, at lima pang tula na nilapatan ng mahuhusay na musical composers ng kanyang panahon. Ilan sa mga nagtanghal ay ang mga kasapi ng Daloy Dance Company, Philippine Opera Company (POC), Cris Go, ang mga rapper na sina Beware at Negatibo, ang mga beteranong aktor na sina John Arcilla, Ronnie Lazaro, Lou Veloso, Anthony Falcon, ang ventriloquist na si Ony Carcamo, mga mambabalagtas mulang Bulacan na sina Melandro Pascual at Jerryco Tanig, mga gitaristang sina Lolito Go at Pauline Mendoza, manunulat na si Karl Orit, at ang mga batang dancer na sina David Josef Macatangay at Brianna Jane Macatangay. Pinadaloy ng mga makatang sina Dr. Vim Nadera at Louise O. Lopez ang buong programa. Ang Pagbabalik-tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan ay pinamunuan ng CCP Office of the President at Intertextual Division ng Cultural Content Department, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

 

Tanghalang Huseng Batute

Named after the pseudonym of Jose Corazon de Jesus, known for his colorful lines that birthed the popularity of ‘balagtasan’, the Studio Theater of the Cultural Center of the Philippines in Pasay City is designed for experimental production and has two levels. 

The upper level serves as a Gallery, the lower level as a studio which features a variable stage. As such, audience capacity varies depending on the size of the stage or acting area.